Isasailalim sa lockdown ang Barangay Caburan Big at Caburan small sa Davao Occidental.
Ito ay dahil sa nararanasang pagtaas ng COVID-19 cases sa munisipalidad kung saan nakapagtala ito ng 78 active cases mula sa kabuuang 392 na mga kaso.
Sa inilabas na Executive Order no.21-020 ni Acting Mayor James John Joyce, magsisimula sa Oktubre 9 ang lockdown sa naturang mga lugar.
Kaugnay nito, ang mga residente ay hindi papayagang makalabas ng bahay maliban na lang kung may medical emergency at Authorized Persons Outside Of Residence o APOR.
Nagbigay naman ang lokal na pamahalaan ng food at medicine passes sa bawat pamilya.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico