Sinimulan na ng Maynilad Water Services Inc. ang pagsusuplay ng new water o potable supply sourced sa dalawang barangay sa Parañaque City.
Ayon sa Maynilad, ang dalawang barangay sa susuplayan ng bagong water source ay ang Barangay San Isidro at San Dionisio.
Nitong linggo, natanggap ng Maynilad ang conditional operational permit para sa Metro Manila Center for Health Development ng Department of Health na tatagal sa loob ng isang taon.
Bago ang permit, nabigyan na ang new water ng Certificate of Potability ng Parañaque City Health Office.
Pinag-aaralan naman ng Maynilad ang pagtatayo pa ng maraming planta sa Pasay, Muntinlupa, Parañaque, at Valenzuela pagsapit ng taong 2025.