Dumaong sa Pier 15 South Harbor ang 2 barko ng Indonesian Navy.
Ayon sa Philippine Navy ang Kri Bung Tomo at Kri Sultan Iskandar Muda ay nasa bansa para sa 4 na araw na goodwill visit.
Ang Indonesian Navy na pinangungunahan ni Capt. Amrin Rosihan ay sinalubong ni Sealift Amphibious Force Commander Commodore Ernesto Baldovino bilang kinatawan ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Robert Empedrad.
Bahagi ng goodwill visit ang serye ng confidence building engagements sa pagitan ng Philippine Navy at Indonesian Navy kabilang ang reciprocal receptions, goodwill games, shipboard tour at pre coordination meeting.
Bukod dito magkakaruon din ng Passing Exercise (PASSEX) sa pagitan ng Philippine Navy at Indonesian Navy.