Nakarating na sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal ang dalawang bagong barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y ayon kay Coast Guard Commandant Rear Admiral William Melad ay bilang bahagi ng isinasagawa nilang pagpapatrolya sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ang pagpapatrolya aniya ng BRP Tubbataha at MCS 3010 na isang monitoring, control at surveillance vessel ay bilang pagtalima sa kautusan ni Transportation Secretary Art Tugade na bantayan ang exclusive economic zone ng bansa.
Bagama’t mayroon nang ulat sa kanya ang dalawang barko ng Coast Guard, tumanggi muna si Melad na isapubliko iyon dahil kailangan pa itong isumite muna sa task force on the West Philippine Sea na pinamumunuan ni dating House Speaker Sonny Belmonte.
By Jaymark Dagala