Maglalayag na simula sa linggo, Mayo 7, patungo ng Benham Rise ang dalawang (2) barko ng PCG o Philippine Coastguard.
Idedeploy ng PCG sa Benham Rise ang kanilang multi role response vessel na BRP Malapascua at ang monitoring, control and surveillance vessel o MCS 3001.
Makakasama ng PCG sa kanilang maritime security patrol ang mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) na nakatakda namang magsagawa ng fish examination sa Benham Rise.
Layon ng expedition na malaman ang lawak ng tulong na puwedeng makuha ng bansa sa Benham Rise para sa food security ng bansa.
By Len Aguirre