Dalawang menor de edad ang nasagip ng mga sundalo mula sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Negros Oriental.
Narescue ang dalawang bata matapos ang engkwentro ng mga sundalo at rebelde sa lungsod ng Guihulngan.
Ayon kay Philippine Army 303rd Infantry Brigade Commander, Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, kasalukuyang ginagamot ang mga bata na napag-alamang naging utusan o ‘runner’ ng NPA.
Isa anya sa mga nasagip ay ni-recruit ng rebeldeng grupo noon pang 2018.
Bagaman pinatawag na rin ang mga magulang ng dalawang bata, mananatili sila sa kustodiya ng DSWD. —sa panulat ni Mara Valle