Wala ng buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang dalawang bata sa loob ng isang sassakyan Angeles City, Pampanga
Ang dalawang paslit na nagkakaedad ng 2- taong gulang at 3 – taong gulang ay nadiskubre ng may-ari na sa loob ng sasakyan at wala ng buhay.
Sa inisyal na ulat ng Angeles City Police, ipinarada ni Jaypee Santos ang kaniyang sasakyan sa harapan ng kanilang tahanan sa Brgy. Malabanias ng lungsod.
Gayunman, ilang oras matapos nitong iparada ang nasabing ay laking gulat niya nang makitang may dalawang bata sa loob nito na kapwa nakahandusay.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang 2 bata na naglalaro at bunga ng matinding kalikutan ay nagawang mabuksan ang kanang pintuan ng kotse kung saan sila pumasok.
Gayunman, nabigong makalabas na ang 2 paslit na nakulong sa loob ng kotse kung saan matindi ang init ng panahon.
Pinaniniwalaan namang na-suffocate sa loob ng kotse ang dalawang biktima bukod pa sa napakatindi ng nararanasang mainit na panahon sa lugar.
Nangako naman ang pamahalaang lungsod na bibigyan ng pinansyal na ayuda ang naulilang pamilya ng mga biktima.
Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kaso at tinitingnan kung may pananagutan ang may-ari ng sasakyan sa pagkasawi ng dalawang bata.