Patay ang dalawang (2) bata at sugatan ang tatlong (3) iba pa sa pagsabog ng isang Improvised Explosive Device (IED) na hinihinalang itinanim ng Abu Sayyaf sa Al-Barka, Basilan.
Kinilala ng Western Mindanao Command ang mga nasawi na sina Niyadz Pising, 2 taong gulang at Omek Akbar, 5 taong gulang kapwa residente ng barangay Danapah.
Sugatan naman ang kapwa 4 na taong gulang na sina Pahmiya Pising at Salmiya Akbar at ang 25 anyos na si Suraima Akbar.
Ayon kay Lt. Col. Franco Raphael Alano ng Philippine Army naglalaro ang mga biktima at isa sa kanila ang aksidente nagalaw ang IED.
Nakikipag ugnayan na ang Joint Task Force Basilan sa local authorities sa Al-Barka para maiwasan ang parehong insidente.
By: Judith Larino