Patay ang dalawang 8-taong gulang na batang lalake matapos sumalpok ang isang sasakyan sa isang silid-aralan ng primary school sa Sydney Australia.
Ayon sa ulat, tatlong estudyante din ang napaulat na nasugatan sa insidente.
Lumalabas na 24 na estudyante ang nasa loob ng silid-aralan nang mangyari ang aksidente.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang drayber ng sasakyan na napag-alamang 52-taong gulang na babae.
—-