Dalawang batang edad sampu ang nag-positibo sa COVID-19 delta variant sa Cebu.
Kabilang ang dalawa sa apat na bagong kaso ng delta variant sa lalawigan habang ang iba pa ay edad 27 at 60.
Ayon kay DOH-7 chief pathologist, Dr. Mary Jean Loreche, ang apat na bagong kaso ng delta variant ay mula sa Lapu-Lapu City.
Bukod pa ito sa 32 delta cases sa Cebu na pawang walang travel history sa labas ng bansa.—sa panulat ni Drew Nacino