Nasawi ang dalawang batang lalaki matapos makulong sa nasunog nilang bahay sa Plaridel, Bulacan.
Kinilala ang nasawing magkapatid na sina Lorenzo at Reynan Dela Cruz.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng gabi nang magsimulang maganap ang sunog.
Napag-alamanan na umalis ng kanilang bahay ang ina ng dalawang bata para umani ng gulay dakong alas-4:20 ng hapon.
Natupok naman ang bahay ng mga ito bago umuwi ang ina ng mga bata.
Ayon sa awtoridad, hindi kaagad nai-report ang insidente dahil walang kapitbahay ang mga ito.
Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang naturang insidente.—mula sa panulat ni Hannah Oledan