Inilagay na sa state of calamity ang dalawang (2) bayan sa Agusan del Sur.
Kabilang dito ang mga bayan ng La Paz at Esperanza kung saan 62 barangay sa kabuuan ang apektado ng pagbaha at halos 11,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers.
Ayon sa AFP, hindi pa rin madaanan ang provincial road mula sa La Paz patungong Esperanza bagamat humupa na ang tubig baha.
Samantala, mahigit 2,000 pamilya sa Butuan City, Agusan del Norte ang nasa evacuation centers partikular sa City Central Elementary School at Agusan National High School.
Apektado rin ng pagbaha ang halos 300 pamilya sa munisipalidad ng Las Nieves.
Nakikipag-ugnayan na ang military officials sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council para sa kaukulang rescue at relief operations matapos i-deploy ang military vehicles sa mga apektadong lugar.
By Judith Larino