Dalawang bayan sa Lanao del Norte ang napabilang na sa mga lugar na isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, kabilang ang dalawang bayan na ito sa mahigit isang daang bayan (105) at 15 lungsod na itinuturing na election of concern na nasa ‘red category’.
Sa ilalim ng Resolution no. 10481 ng COMELEC, nakasaad dito na kung makakaapekto sa paglulunsad ng halalan ang peace and order situation sa isang lugar ay maaari itong ilagay ng COMELEC en Banc sa kontrol at pangangasiwa.
Samantala, sinabi ni Carlos na nakapagtalaga na sila ng Regional Special Operations Task Group sa mahigit isang daang (115) election areas of concern na subject for validation ng poll body.