Isinailalim na sa state of calamity ang dalawang bayan sa Negros Occidental dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Isabela Negros Occidental Mayor Joselito Malabor, umabot na sa 10 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa labing dalawang (12) barangay sa kanilang bayan dahil sa matinding tagtuyot.
Samantala, sa bayan ng Murcia, nasa isang daan pitumpu’t siyam (179) na ektarya na ng palayan ang nasira na nagkakahalaga ng 8.29 million pesos.
Sumampa naman sa 44.92 million pesos ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga palayan, maisan at taniman ng tubo sa buong probinsya ng Negros Occidental.
Naglaan na rin ng 2.5 million pesos na pondo ang pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental para sa cloud seeding operations.
—-