Itinaas na ang state of calamity sa dalawang bayan sa Nueva Ecija, ang Jaen at San Isidro na nag-positibo sa bird flu virus.
Ayon kay Nueva Ecija Governor Czarina Umali, ang deklarasyon ay kasunod ng naging rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Aniya, sinimulan na ang culling sa aabot na sa 70,000 mga manok at pugo matapos na kumpirmahin ng Department of Agriculture o DA ang avian flu virus sa dalawang poultry at quail farm sa nasabing mga bayan.
Habang mahigpit namang ipinatutupad ang checkpoints sa 17 barangay na sakop ng idineklarang quarantine zone.
By Rianne Briones