Nilinaw ng Department of Agriculture o DA na wala na silang nakikitang banta ng bird flu sa mga bayan ng Jaen at San Isidro sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Ito’y ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol makaraang isailalim sa disinfection ang lahat ng mga poultry farms sa mga nabanggit na lugar.
Gayunman, sinabi ng Kalihim na kailangan pang hintaying matapos ang 21 araw na incubation period bago tuluyang ideklarang bird flu free na ang mga nasabing bayan.
Batay sa tala ng DA, aabot sa halos 200,000 mga poultry animals tulad ng mga layer chickens at mga paitluging pugo ang isinailalim sa culling o pagpatay.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE