Naghain na ng leave of absence sa Department of Justice ang dalawang Deputy Commissioners ng Bureau of Immigration.
Personal na inihain nina Atty. Al Agrosino at Atty. Michael Robles ang kanilang leave of absence makaraang magtungo ang mga ito sa tanggapan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Batay sa sulat ng dalawa, epektibo kahapon ang kanilang leave of absence na magtatagal ng 30 araw.
Ginawa anila nila ang pagliban sa trabaho bilang pagsunod na rin sa Rule of Law at para hayaang umusad ang isasagawang imbestigasyon sa diumano’y naganap na suhulan sa mga immigration personnel.
Una nang binigyan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ng 24-oras sina Argosino at Robles para magsumite ng kanilang report sa isyu ng suhulan.
Matatandaang lumabas sa mga pahayagan na nagkaroon ng 50-Milyong suhol sa ilang mga tiwaling kawani ng immigration noong madaling araw ng Nobyembre 27 kapalit umano ng kalayaan ng 600 sa mahigit 1,000 chinese na tauhan ni Jack Lam.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo