Arestado ang dalawang hinihinalang bigtime pusher matapos makuhanan ng mahigit 3 milyong piso na halaga ng shabu sa parking lot ng isang mall sa Bacoor, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina Joery Villafañe, 37-anyos at Ignito Mejares, 42-anyos.
Naaresto ang mga suspek sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad matapos makipagtransaksyon ang poseur-buyer sa mga ito na kilala umanong supplier at tulak ng droga sa Cavite at mga karatig lugar.
Narekober sa mga suspek ang dalawang knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng shabu na mahigit 500 gramo na nagkakahalaga ng P3,400,000.