Kinasuhan ng Bureau of Customs – action team against smugglers sa Department of Justice ang dalawang “bigtime smuggling groups” sa bansa.
Sinampahan ng kasong gross undervaluation of imports ang Granstar Premiere Sports Corporation dahil sa “undervalued” na mga units ng mga bagong “vespa scooters”
Habang pinagharap naman ng kaso large – scale agricultural smuggling ang Seven Myth Marketing dahil sa pagpupuslit nito ng Sampung Milyong Pisong halaga ng bigas mula sa China.
Una nang naglabas ng direktiba si Customs Commissioner Isidro Lapeña na paigtingin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga small at bigtime smugglers sa bansa.