Pinangalanan na ng mga otoridad ang nasawi sa pagsabog ng tangke sa Pasay City na si Renato Martinez, 49 anyos at isang welder habang kinilala naman ang sugatan na si Felix Angana.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nililinis ni Martinez ang tangke nang bigla na lamang itong sumabog.
Sinubukan pang isugod sa pagamutan si Martinez ngunit binawaan din ng buhay.
Nadamay naman sa nangyaring insidente si Angana na nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP sa nangyaring pagsabog sa may bahagi ng no.137 Virata Street, Pasay City.