Dalawang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Barangay Guis-guis Talon, Sariaya, Quezon.
Ayon sa inisyal na report ng Sariaya Municipal Police Station, nakita ng isang residente ang dalawang bangkay sa ilog na tanging damit pang ibaba lang ang suot, nakabalot ng packaging tape ang mga mukha at nakagapos ang kamay at paa.
Isa sa dalawang biktima ay babae na tinatayang 30-40 taong gulang habang ang lalaki ay tinatayang nasa 45-50 taong gulang.
Samantala, narekober ng mga pulis ang isang baril at apat na basyo ng bala sa naturang insidente.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng dalawang biktima na hinihinalang posibleng itinapon lamang sa lugar.—sa panulat ni Airiam Sancho