Tinatayang 2 bilyong pisong halaga ng mga hinihinalang imported na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs at Internal Revenue sa limang warehouse sa bayan ng San Simon, Pampanga.
Ayon kay Cleo Daanga-Ah, team leader ng raiding unit mula BOC at BIR, isinagawa ang raid sa Quezon Road sa compound ng San Simon Industrial and Economic Zone.
Nasabat anya mula sa mga warehouse ang bultu-bultong Mighty Cigarettes.
Gayunman, kinukumpirma pa kung puslit, peke o ginamitan ng pekeng BIR stamps ang mga sigarilyo.
By: Drew Nacino