Dalawang 16-anyos na mga binatilyong Palestinian ang nasawi matapos mabaril ng mga sundalong Israeli sa border ng Gaza Strip at West Bank.
Batay sa report, nabaril ang dalawang binatilyo sa gitna ng protesta laban sa pagkilala ng Estados Unidos sa Jerusalem bilang capital ng Israel.
Sinabi naman ng Israeli military na kanila lamang pinaputukan ang mga nagra-riot na nagdudulot ng panganib sa seguridad ng kanilang mga sundalo.
Pinasinungalingan naman ito ng Palestinian authority at iginiit na namaril ang mga sundalong Israeli nang walang dahilan.
—-