Dalawang pangalan naman ang pinagpipilian ngayong makalaban ni WBO Welterweight Champion Jeff Horn.
Ito ay makaraang umatras si Eight Division World Champion Manny Pacquiao sa dapat sana’y rematch nila ni Horn sa darating na Nobyembre dahil sa umano sa conflict ng iskedyul.
Ayon kay Horn, nais niyang makalaban sinuman kina Jessie Vargas at Miguel Cotto.
Batid ni Horn na mahirap na kalaban ang naturang mga boksingero lalo na aniya si Vargas kaya’t ganoon na lamang ang pagnanais niyang masubukang makaharap ang mga ito.
Matatandaang kapwa natalo sa kamay ni Pacquiao sina Vargas at Cotto noong 2009 at 2016.