Muling nagbuga ng lava ang dalawang bulkan sa Indonesia matapos mag alburoto sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay Volcanology Official Kasbani, nagbuga ng lava ang Mount Merapi sa isla ng Java na umabot ng 2,000 metro pababa ng bulkan.
Bago ito, nagbuga rin ng lava at usok ang Mount Karangetang sa Siau Island sa Sulawesi.
Dahil dito, nagkasa ng forced evacuation ang mga otoridad sa paligid ng bulkan.
Mula sa tatlong kilometro, pinalawig ng mga otoridad ang itinakdang danger zone sa apat na kilometro mula sa crater nito.
Walang naitalang anumang pinsala at hindi na rin itinaas ang alerto ng mga naturang bulkan.