Hindi sapat ang 2 buwang pag-ulan para muling pumalo sa normal water high level target ang Angat dam ayon sa PAGASA.
Ayon kay PAGASA Chief of Climate Monitoring and Prediction Section, malabo pa ring maging normal ang lebel ng tubig sa dam kahit na inaasahang maraming pag ulan ang mararanasan.
Dagdag pa nito, dahil kagagaling lang ng bansa sa ‘El Niño’, mayroong lang effect ang mga bagyo kung saan imbes na pumasok sa bansa ay napupunta ito sa pahilagang direksyon.
Matatandaang nagpatupad ng water supply interruption sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.