Tiniyak ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na bibigyan nila ng pagkakataong makapagpaliwanag at makapagprisinta ng ebidensya ang dalawang miyembro ng gabinete na kanilang iniimbestigahan dahil sa katiwalian.
Halos tapos na rin naman umano ang imbestigasyon at pinag-uusapan na lamang kung anong parusa ang dapat na ipataw sa dalawang cabinet members.
Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na pag-aaralan pa rin ng komisyon ang resulta ng imbestigasyon na isusumite sa kanila ng kanilang mga imbestigador.
Muling tumanggi si Belgica na tukuyin ang pangalan at ahensyang hinahawakan ng dalawang cabinet members hanggat hindi pa final ang imbestigasyon.