Nagbitiw sa pwesto ang dalawang gabinete matapos ang naganap na kilos-protesta sa Peru.
Inanunsyo nina Education Minister Patricia Correa at Culture Minister Jair Perez ang kanilang pagbibitiw sa Twitter.
Ayon sa post ni Correa, ang kanyang pagbibitiw sa posisyon ay makatwiran dahil sa pagkamatay ng ilang katao.
Magugunitang pinatalsik sa pwesto ang dating Pangulo na si Pedro Castillo kung saan naging bunsod ng pagkagalit ng mga protestante sa nabanggit na bansa.
Kasabay nito, nauna nang sinabi na isasailalim sa National State of Emergency ang bansang Peru dahil sa madugong kilos-protesta.