Dalawang Citizen Armed Force Geographical Unit Members o CAFGU at isang miyembro ng Abu Sayyaf ang patay sa bakbakan sa bayan ng Tuburan, Basilan.
Nasa kalagitnaan ng security patrol ang barangay peacekeeping action team sa Sitio Bohe Kirey, Barangay Dugaa nang maka-engkwentro ang nasa dalawampung bandido.
Ayon kay Col. Juvymax Uy, commander ng joint task force Basilan, tumagal ng dalawampung minuto ang sagupaan ng mga CAFGU at grupo ng Abu Sayyaf na nasa likod ng pag-hijack sa isang Vietnamese bulk carrier sa karagatan ng Basilan noong Nobyembre.
Sa ngayon anya ay lima pang Vietnamese sailors ang bihag ng bandidong grupo mula sa hinayjack na barko.
By Drew Nacino