Pinalaya na ng China ang dalawang Canadian nationals kapalit nang pagpapalaya kay Chinese Huawei Executive na si Meng Wanzhou.
Inanunsyo ito mismo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau bilang umano’y pagtatapos ng ilang taong diplomatic tension sa pagitan ng Canada at China.
Sina Canadian nationals Michael Spavor at Michael Kovrig ay ikinulong sa China dahil sa kasong pang eespiya noong 2018, ilang araw matapos maaresto rin si Wanzhou sa bisa ng warrant mula sa Amerika.
Si Kovrig ay dating diplomat ng International Crisis Group na isang brussel based think tank habang si Spavor naman ay founding member ng isang grupong nangangasiwa sa international business at cultural ties sa North Korea.