Hiniling sa korte ng dalawang abogado mula sa Cebu na ideklarang inapplicable o hindi uubra sa lalawigan ang testing and quarantine protocols ng gobyerno para sa international travelers.
Isinampa nina Atty. Clarence Paul Oaminal at Valentino Bacalso Jr. Ang petisyon sa gitna na rin nang magkaibang panuntunan na ipinatutupad ng IATF at Cebu provincial government.
Umapela sina oaminal at bacalso sa Cebu City RTC na maglabas ng kautusan para mapigilan ang pagpapatupad ng iatf resolution 114 na una nang inisyu nuong Mayo.
Tinukoy na respondent sa petisyon si Health Secretary Francisco Duque III.
Batay sa ordinansa ng Cebu Provincial Government hinggil sa testing and quarantine protocol para sa mga returning overseas Pinoys at OFW’s kailangang mag swab ng mga ito pagdating sa airport at kung negatibo ang resulta papayagan nang mag home quarantine ang traveler.
Sa ilalim naman ng IATF approved protocols ang mga nasabing indibidwal ay dadalhin sa isang facility based quarantine at isasalang sa RT-PCR test sa ika pitong araw ng quarantine nito.