Isasailalim sa eksaminasyon ng forensic team mula China ang labi ng 2 Chinese diplomat na pinatay ng kanilang kapwa tsino sa Cebu City.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose bilang bahagi ng imbestigasyon sa naturang insidente.
Gayunman, aminado si Jose na hindi pa nila mabatid kung kailan darating ang Chinese forensic team sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nasa China na ang mga mag-asawang Chinese diplomat na sina li Quing Liang at Guo Jing na suspek sa pamamaril sa mga biktimang sina Deputy Consul-general Sun Shan at finance officer Hui Li.
Nasugatan naman sa insidente si Chinese Consul General Song Ronghua na dumadalo lamang sa birthday party sa isang restaurant noong Oktubre 21.
By: Drew Nacino