Huli ang dalawang chinese national sa isinagawang entrapment operation kaugnay sa Robbery Extortion at pang ho-Holdap sa isang babae sa Taguig City, madaling araw kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Fei He, 40 -anyos na residente ng Taguig City habang ang isa ay si Haikang Kyu, 32 taong gulang na residente ng Mandaluyong City.
Batay sa reklamo ng biktima, tinutukan siya ng baril ng mga suspek at saka tinangay ang kanyang cellphone, id at bank card na ipinatutubos sa halagang P20,000.
Tagumpay na naaresto ang mga suspek sa ginawang entrapment kung saan nabawi ang mga nakuhang kagamitan.
Nakuha rin sa suspek ang 2 plastic sachets ng shabu na may timbang na 1.1 gramo.
Mahaharap sa reklamong Robbery Extortion at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon