Dalawang Chinese casino junket operator ang idinawit ng negosyanteng si Kim Wong sa 81 million dollar international money laundering scam.
Tinukoy ni Wong sina Gao Shuhua mula Beijing at Ding Zhize ng Macau kung saan ini-remit ang ninakaw na 81 million dollars mula Central Bank of Bangladesh.
Gayunman, aminado si Wong na 4.6 million dollars na lamang ang natitira at nananatili sa Solaire Casino matapos ipatalo ang mahigit 70 million dollars.
Samantala, idiniin din ng negosyante si dating RCBC-Jupiter, Makati Branch Manager Maia Deguito bilang utak sa isa sa pinakamalaking cyber heist sa kasaysayan.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni Kim Wong sa ginawang pagdinig sa senado
Bangladesh
Kuntento si Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes sa kinahinatnan ng ikatlong round ng senate hearing kaugnay sa 81 million dollars na ninakaw mula sa kanilang Central Bank na naka-deposit sa Federal Reserve of New York ng Amerika.
Naniniwala si Gomes na “transparent” at “informative” ang naging talakayan kahapon at sa katunayan ay nananatili silang positibo sa itinatakbo ng hearing.
Kumpyansa ang embahador na mababawi ng kanilang gobyerno ang perang ninakaw ng mga hacker at mapapanagot ang sinumang nasa likod ng isa sa pinakamalaking cyber theft sa kasaysayan.
By Drew Nacino