Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dalawang (2) Chinese nationals kaugnay ng mga pekeng tax stamps at cigarette labels na nakumpiska sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Villasis, Pangasinan.
Kinilala ang mga respondents na sina Lian Jun Cheng at Cai Xiao Ming na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa National Internal Revenue code.
Ayon kay Police Maj. Fernando Fernandez Jr., hepe ng Villasis police, inabsuwelto naman ng Provincial Prosecutors Office ang mga warehouse workers na sina Bernard Dagpin, Edwin Caga-anan, Gino Amparo, Benjie Terez at Juancho Rey Albestor.
Magugunitang sinalakay ng mga otoridad ang warehouse ng Three W. Carton Trading corp. sa barangay Bacag dahil sa natatanggap nitong sumbong hinggil sa illegal activities sa lugar.
Maliban sa mga pekeng cigarette labels at tax stamps, nasabat din sa operasyon ang isang printing machine na nagkakahalaga ng P300M.