Nakakulong ngayon sa Senado ang sinasabing may-ari ng warehouse na pinagbagsakan ng kargamento ng shabu na si Richard Chen alyas Richard Tan at tauhan nitong si Manny Lee.
Ito ay matapos na ipa-cite for contempt ang dalawa dahil sa tingin ng mga senador ay nagsisinungaling ang mga ito.
Hinikayat naman ni Senador Panfilo Lacson ang dalawa habang nakakulong sa Senado na mag isip-isip at ikakanta na ang utak sa maanomalyang shipment ng iligal na droga.
Una nang inamin ni Tan na tinawagan siya ng Customs sa China na kaugnay sa darating na kargamento ng shabu.
Inihirit naman ni Senator Richard Gordon sa Bureau of Immigration na magpalabas ng hold departure order o HDO laban sa lahat ng mga isinasangkot na naturang iligal na shipment.
By Rianne Briones