Dalawang surveillance ship ng China ang sinasabing namataang umiikot sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Batay sa tweet ni Ryan Martinson, asssistant professor sa China Maritime Studies Institute ng U.S. Naval War College, isang Chinese oceanographic survey ship na may pangalang Zhanjian ang nag-ooperate sa silangang karagatan ng bansa.
Ayon kay Martinso, naglayag sa bahagi ng Philippine Sea ang nasabing barko ng China bago lumapit ng may 80-milya mula sa Siargao Island noong Agosto 3 at binaybay ang karagatang sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Habang ang isa pang barko ng China na may pangalang Dong Fang Hong 3 ang naglayag naman sa karagatan ng Batanes.
Sinabi ni Martinson, tila nagsasagawa ng pagsasaliksik sa ilalim ng karagatang nasa loob ng EEZ ng Pilipinas ang dalawang nasabing barko ng China.