Lusot na sa Committee Level ng Commission on Appointments ang nominasyon nina COMELEC Commissioners Nelson Celis at Ernesto Ferdinand Maceda Jr. na ang termino ay tatagal hanggang sa February 2, 2029.
Sa pagtalakay sa kanyang AD Interim Appointment, sinabi ni Celis na bilang isang IT expert naniniwala siyang mas magiging epektibo sa eleksyon sa bansa kung gagawin ang sistema ng private voting pero public counting.
Paliwanag pa ni Celis, may mga teknolohiya nang maaaring makita ng publiko ang pagbibilang ng makina ng mga boto para hindi na gumamit ng tara system.
Iminungkahi rin ng commissioner na maganda ring solusyon ang internet voting para mapadali ang pagboto ng mga OFW.
Kasabay nito, kinumpirma rin ni Celis na may inilalatag na silang mga sistema para labanan ang fake news. – sa ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19).