Nakatakda nang magretiro sa susunod na buwan ang dalawang commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na wala namang magiging epekto sa paghahanda ng COMELEC sa eleksyon ang pagreretiro nina Commissioner Luie Guia at Al Parrenio na pitong taong nagsilbi sa komisyon.
Ayon kay Jimenez, mayroon pang limang matitirang miyembro ng COMELEC en banc kaya’t mayroon pa ring quorum.
Kabilang sa mga matitirang miyembro ng COMELEC en banc sina Comelec Chairman Sheriff Abas, comissioners Rowena Guanzon, Marlon Casquejo, Antonio Kho, Jr. at Socorro Inting.