Dalawang Commission on Elections (COMELEC) Commissioners ang itinalaga ng komisyon para kumatawan sa kanila sa oral arguments ng Korte Suprema sa kaso ni Senador Grace Poe.
Sina COMELEC Commissioners Arthur Lim at Rowena Guanzon ang magdedepensa sa COMELEC sa Korte Suprema.
Sa ilalim ng sinusunod na sistema, ang Solicitor General ang nagsisilbing abogado ng mga ahensya ng pamahalaan subalit sa pagkakataong ito, mas pinili ng OSG na idepensa ang SET o Senate Electoral Tribunal na nagbigay ng paborableng desisyon kay Poe.
By Len Aguirre