Patay ang dalawang construction workers sa pagguho ng Sogo Hotel sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang mga nasawi na sina Melo Izon at Jerome Pabillo.
Nabatid na ang labi ni Izon ay nakuha ng rescue team pasado alas 3:00 kaninag hapon samantalang patuloy pang kinukuha ang labi ni Pabillo.
Katuwang ng Manila City Rescue ang MMDA na nagpadala ng dalawang crane para makuha ang mga na trap sa nasabing gusali. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)