Ibinabala ng United Nations na posibleng kumalat sa Yemen ang coronavirus disease (COVID-19).
Ito’y makaraang makapagtala ito ng unang dalawang kaso ng pagkamatay dahil sa nabanggit na sakit.
Karamihan umano sa mga naitatalang kaso ay mula sa lungsod ng Aden kung saan nagkasa na ito ng tatlong araw na curfew.
Kasabay nito, ibinabala rin ng ilang international health officials na lantad sa outbreak ang mga taga-Yemen dahil nawasak sa giyera ang karamihan sa kanilang mga health facilities.