Laganap na ang dalawang variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON.
Sinabi ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bagama’t hindi pa makumpirma ng local experts ng world health organization kung mayruon nang community transmission ng mga naturang variant.
Sa record ng DOH ang Metro Manila ay nakapagtala ng 602 South Africa variant, 358 UK variant cases at 39 P.3 variant habang ang CALABARZON ay mayruong 121 South Africa variant cases, 145 case ng UK variant at anim na kaso ng P.3 variant.