Patay ang dalawang crew matapos ma-suffocate sa loob ng shaft room ng kanilang barko habang patungong Cebu City.
Kinilala ang dalawang tripulante na sina Remil Sanico at Renato Sanico na nasawi makaraang masira ang propeller shaft ng barko dahilan para pasukin ng tubig ang kanilang MV Lady of Good Voyage.
Mabilis naman rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Southwestern Mindanao matapos makatanggap ng report.
Naisugod pa sa ospital ang dalawang crew pero idineklara itong wala nang buhay ng mga doktor.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Maritime Group sa may-ari ng barko para pag-usapan ang pangyayari. —sa panulat ni Angelica Doctolero