Tuloy na mamayang alas-3 ng hapon ang paglulunsad sa himpapawid ng dalawang cube satellites na dinivelop ng Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng masamang panahon na pumigil kahapon sa itinakdang lift-off ng nasabing satellites sakay ng spacecraft mula sa Kennedy Space Center sa Amerika.
Ayon sa US National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang lift-off ng Space x 23rd Commercial Resupply Services Mission ay magdadala rin sa Maya 3 at Maya 4 sa International Space Station.
Ang dalawang cubesats na kabilang sa Space x Dragon Flight ay dinivelop sa ilalim ng Stamina 4 Space Program sa tulong ng DOST, UP Diliman, Kyushu Institute of Tehcnlogy, Philippine Space Agency at iba pang tanggapan sa ilalim ng DOST.