Nakapagtala ng karagdagang dalawang kaso ng Monkeypox ang Pilipinas.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga bagong kaso ay nasa edad 34 at 29 na may travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng Monkeypox.
Aniya, nagpositibo ang mga ito kahapon at ngayong araw.
Dagdag ni Vergeire, nagsasagawa na ang kagawaran ng contact tracing.
Matatandaang, inanunsiyo ang unang kaso noong July 29 kung saan nakita ito sa isang Pinoy na umuwi ng bansa.