Masusing minomonitor ng mga Lokal na Pamahalaan ng Bulacan ang posibleng pag-apaw ng mga baybayin at ilog sa kanilang mga lugar dahil sa Bagyong Paeng.
Kabilang sa mahigpit na binabantayan dito ang mga low-lying area sa bahagi ng Marilao at Meycauayan.
Pero base sa Bulacan LGU, wala pa silang natatanggap na anumang ulat ng seryosong pagbaha sa lalawigan maliban sa pagkaipon ng tubig sa Guiguinto Footbridge kasunod ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Samantala, nagpakawala na ng tubig ang Bustos Dam simula pa Biyernes ng gabi matapos na umabot na sa 17.17 ang water level ng dam.
Aabot naman sa 60 cubic meters per second ang pinakawalang tubig ng Ipo dam kahapon ng alas tres ng hapon makaraang umabot na sa 100.19 meters ang water level nito at malapit na sa spilling level na 101 meters.