Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman ang dalawang dating alkalde ng Surigao Del Sur at ang Municipal Accountant dahil sa kabiguang mag-liquidate ng cash advances na kanilang natanggap noong 2002 at 2012.
Nahaharap sa failure to render account si dating Tago, Surigao Del Sur Mayor at Incumbent Sangguniang Panglungsod Member Henrich Pimentel na i-liquidate ang kanyang travel expenses mula 2011 hanggang 2012 na aabot sa mahigit 133,000 Piso.
Maging si dating Tago Mayor Herminigildo Pimentel jr. ay nahaharap din sa kaparehong kaso dahil sa kabiguang mag-liquidate ng cash advance na pinambili niya ng laptop.
Samantala, nahaharap naman si Municipal Accountant Pedro Secarro ng isang count ng failure to render account at malversation, at dalawang counts ng paglabag sa section 3-E ng anti-graft and corrupt practices act.
By: Mheann Tanbio