Nahaharap sa patung- patong na kaso sa Sandiganbayan ang dalawang dating mataas na opisyal ng Bureau of Immigration kaugnay sa “50 Million pesos bribery scandal”
Sinampahan ng Ombudsman ng kasong plunder , direct bribery at graft sina Al Argosino at Michael Robles gayundin ang dating police officer na si Wenceslao “ wally” Sombero.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman , lumitaw na tinanggap nina Argosino at Robles kung saan kasabwat nila si Sombero, ang 50 Milyong Pisong suhol mula sa Chinese Tycoon na si Jack Lam.
Ito ay bilang kapalit ng paglaya ng mahigit isang libong chinese workers na illegal na nag – ta trabaho sa Fontana Leisure Parks and casino sa Clark , Pampanga.
Samantala , kinasuhan din ng paglabag sa PD 46 si Lam o ang batas kaugnay sa pagbibigay ng regalo sa mga public officials mula sa mga pribadong indibidwal.