Sinampahan ng hiwalay na kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) Cordillera ang dalawang (2) dating opisyal ng Philippine Military Academy (PMA).
Paglabag sa Anti-Hazing Law ang inihaing kaso ng NBI Cordillera laban kina dating PMA Superintendent Lt. General Ronnie Evangelista at former commandant of cadets Brigadier General Bartolome Bacarro.
Ito ay kaugnay pa rin ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Ayon sa NBI Cordillera director Atty. Hector Eduardo Geologo, nabigo ang dalawang (2) dating opisyal ng PMA na imbestigahan o umaksyon sa nangyaring pagmamaltrato kay Dormitorio.
Magugunitang nagbitiw sa puwesto ang dalawang (2) dating PMA officials kasunod ng insidente.